Sa derektiba ng Highness Amir Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani, ay nagpadala ng urgent relief aid para matulungan ang mga nasalanta ng typhoon FAMCO (VAMCO) #TyphoonUlyssesPH2020 sa Pilipinas noong Huwebes ng hapon (December 3, 2020).

Nagtulong-tulong ang Qatar Fund for Development, in cooperation with the Amiri Air Force sa pangngunguna ng Qatar Red Crescent, lumipad ang Qatar Emiri aircraft.
Kinabukasan araw ng Biyernes December 4, 2020 ay dumating ang Qatar Emiri aircraft sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 lulan at dala ang humanitarian aid na tulong galing sa bansang Qatar.
Naglalaman ang aircraft ng limampung tonelada ng relief goods na food at non-food items tulad ng kumot, family tent, water sanitation facility, power generator, mosquito nets, at inflatable boats.
Ang mga relief items na ito ay agad ipapamahagi sa 2,500 pamilya sa lalawigan ng Cagayan at Rizal na lubhang naapektuhan ng Bagyong Ulysses (Vamco), sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross.
Ang post-disaster relief operation na ito ay pinangunahan ng Qatar Red Crescent at Qatar Fund For Development, kasama ang Philippine Red Cross.

Samantala, inulan ng share ang nasabing post sa social media at bumaha naman ng pasasalamat mula sa mga OFW, ang ginawang kabutihan ng bansang Qatar.
Basahin ang mga nakakatuwa at taos sa pusong pasaslamat ng mga Pilipino sa Bansang Qatar at sa mga lider nito.

Anong masasabi mo sa tulong na pina-abot ng Bansang Qatar sa Pilipinas, Share mo naman sa comment box.