TABACO CITY, Albay —Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng tabaco ang dumaraming bilang ng mga tao o indibidwal na nagbalik ng pera mula sa Special Amelioration Program o SAP.

Ayon sa pahayag ni Mayor Krisel Lagman Luistro,mahigit sampong persona na ang kusang nagsauli ng pera na sanay tulong ng pamahalaan dahil sa crisis bunsod ng covid19.

Patunay lamang umano ito na marami paring mga tabaqueno ang may mabuting kalooban.

At narito po ang kwento ng dalawang nagsauli ng pera mula sa SAP kasama ang kanilang mga lawaran.
Si Butchoy at Si dating Brgy.Kgwd.Ella, parehong PWD.

Si Cesar Ponciano Brillantes na mas kilala sa tawag na Butchoy,isang pipi at padyak driver ng Brgy.San Carlos ay nagbalik ng kanyang 5’000.00pesos mula sa SAP dahil nakatangap na ito ng kaparehong tulong sa Brgy. Basud kung sya,asawa at limang mga anak ay nakatira ngayon sa bahay ng kanyang Inang may sakit upang ito ay alagaan.

 

Kinilala ang honest pedicab driver na si Cesar Brillantes, 42, na isa ring person with disability dahil sa kapansanan sa pandinig at pagsasalita. Mayroon siyang 5 anak.

Kuwento ni Brillantes, dalawang beses siyang nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program dahil nakalista siyang benepisyaryo sa mga barangay ng San Carlos at Basud.

Si Butchay ay parehong kasama sa listahan ng dalawang barangay,sa lugar kun saan ang kanyang permanenting tirahan at sa barangay kung saan nakatira ang kanyang Ina na may sakit.

Samantala, Bulontaryo rin na ibinalik din dating Brgy.Kagawad Danilo Ella ng Mariroc Tabavo City ang kanyang limang libo (5’000.00pesos) tulong mula sa SAP kahit kwalipikado ito sa program sapagkat isang PWD ang dating konsehal ng barangay subalit batid nito na mas marami pa ang nangangailangan ng tulong kaysa sa kanya.