Si Marian Santiago, isang magandang dilag at maybahay, ay ibinahagi kamakailan ang kwento ng kanyang buhay sa Facebook. Ito ay isang kwento ng pag-ibig, pagsasakripisyo at pangloloko. Inilahad niya ang pangloloko ng kanyang asawa hindi para batikusin sila ng mga tao, kundi upang mailabas ang emosyong matagal niyang kinimkim sa kanyang dibdib.

Photo Source: Facebook/Marian Santiago

Mr. Dream Boy
Nagsimula ang kanilang matamis na pagkakakilala ng siya ay nasa kolehiyo pa lamang. Ang kanyang asawa ay maituturing niyang kanyang dream boy. Mataas, matipuno at higit sa lahat, ma effort ito. Ang lahat ng katangian ng kanyang hinahanap sa lalaki ay nandito, kung kaya’t hindi naging mahirap sa kanya ang mahalin ito.

Photo Source: Facebook/Marian Santiago

Bagama’t madalas nasa ibang bansa ito upang magtrabaho, pilit nilang ginawang matibay ang kanilang Long Distance Relationship. Napakamaalalahanin ng lalaki, umuuwi ito galing sa US tuwing may mahalagang okasyon si Marian, katulad na lang ng siya ay magtapos sa kolehiyo.


Bagama’t madalas nasa ibang bansa ito upang magtrabaho, pilit nilang ginawang matibay ang kanilang Long Distance Relationship. Napakamaalalahanin ng lalaki, umuuwi ito galing sa US tuwing may mahalagang okasyon si Marian, katulad na lang ng siya ay magtapos sa kolehiyo.

Sinira Ang Relasyon
Taong 2018 nang magsimulang gumuho ang kanilang mundo. Bagama’t napaka sweet pa rin ng kanyang asawa sa mga messages na ipinadadala sa kanya, lingid sa kanyang kaalaman ay mayroon na itong ibang karelasyon na isang katrabaho nito. Isang kaibigan mula doon ang nagpadala ng mga larawang patunay ng relasyon ng kanyang asawa at sa isang babae, na kung mamasdan, ay wala sa katiting ng kagandahan ni Marian.

Dito naguho ang mundo ni Marian, ngunit matapos niyang mag-iiyak, napagpasyahan niyang hayaan na amang ang kanyang asawa sa kaligayahan nito at ituon ang pansin sa kanyang munting anak. Pati sa kabit ng mister ay wala siyang sinabing masama, sinabi niya pang alagaan na lang nito ang asawa at kung ano ang kaligayahan nito.

Nangabit Na Mister
Inalala ni Marian ang mga nagdaang taon simula nang makilala nito ang asawa. Naging magkasintahan sila noong college sya. Ang pagpost ni misis ng nangyari sa kanyang personal na buhay ay hindi upang hiyain ang asawa at ang kabit nito bagkus ay ilabas ang sama ng loob na nararamdaman nito. Inulan ng napakaraming komento ng pagkastigo ang kabit ng asawa ni legal wife.

Nag-post naman ang kapatid ni misis na si Mark Santiago na kung saan ay nanghihingi ito ng pag-intindi mula sa mga tao. Hiling nito ay itigil na ang pagse-share ng mga litrato at mga post ukol sa kanyang kapatid. Hiling din nito na kalimutan na ang lahat ng nangyari at mag-move on na.

Nagpahayag naman ito ng suporta sa kanyang kapatid na si Marian na ngayon ay may matinding pinagdaraanan.

Ang viral post ni Marian ay nagsasaad kung paano nagsimula ang relasyon nito sa asawa hanggang sa dumating ang kanilang anak. Bagaman long distance relationship ang dalawa ay nanatiling matatag ang kanilang samahan. Dumaan ang dalawang taon na napanindigan ng dalawa ang pagiging malayo sa isa’t isa. Sa tuwing uuwi ng bansa ang lalaki ay lagi silang nagta-travel at nagbo-bonding upang makabawi sa mga oras na magkalayo sila. Masaya sila hanggang isang araw ay may isang concern na tao ang nagpadala ng mensahe kay Marian at ipinakita ang mga litrato ng asawa at kabit nito.