Mahigit kalahating taon na nang matigil sa pamamasada ang jeepney driver na si Mario Balmes dahil sa COVID-19. Nitong July 3, 2020, muling pinayagan ang ruta nila na makabalik sa pamamasada, pero hindi pa rin nakakabalik sa trabaho si Mario. Dahil ang inaasahan nilang makapagbibigay ng kabuhayan sa kanila, siyang naging tirahan nila ng kanyang asawa at dalawang anak.

Sa pinapasadang jeep na nakatira si Mario at ang kaniyang pamilya matapos nilang hindi makabayad ng upa at mawalan ng tirahan mula nang matigil ang biyahe ng lahat ng pampasaherong sasakyan. Umaasa sila sa mga dumaraang motorista para maitawid ang pangkain araw-araw. Sa jeep na ito sila natutulog at kumakain habang sa gilid ng kalsada sila nagluluto at naglalaba.

Pangarap ng jeepney driver na ito na magkaroon ng sariling bahay para sa kaniyang pamilya. Ang kinikita niya sana bilang jeepney driver ang iipunin niya para sana’y matupad ito.
Pero dahil sa tigil-pasada, sa nakaparadang jeep na muna siya nakatira.

Sa jeep na ito na sila natutulog, nagluluto, at kumakain matapos mapaalis sa nirerentahang bahay noong simula ng lockdown. Para mairaos ang isang araw, namamasukan si matio bilang tagalinis ng karne ng manok sa isang palengke. Nag-iipon rin siya ng pang-upa para makalipat na sila.
Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring makipag-ugnayan kay Mario Balmes sa 09101455322.