ANG PITONG ARAL NA ITUTURO NINA SID AT AYA

1. Ang pag-ibig ay sugal, tunay na sugal. Tumaya ka sa tamang tao, sa tamang panahon, at sa tamang damdamin.

2. Digmaan ang pag-ibig. Winawasak niya ang pader ng yaman at estado sa buhay.

3. Hindi ibig sabihin na iniwan ka niya ay ayaw ka na niyang makita. Minsan, ayaw ka lang niyang masaktan.

4. Walang ibang laban sa antok kundi pag-ibig. Walang solusyon sa insomnia kundi pagnanasa.

5. Masama ang manigarilyo. Nakakamatay sa kilig.

6. Kapag nalulungkot, makipag-usap. Kapag higit na nalulungkot, magmahal. Kapag ubod nang lungkot, makipagtalik.

7. Kapag nakita mo na ang taong babago sa takbo ng mundo mo, huwag mo nang pakawalan, habulin mo kahit saan kayo dalhin kung ayaw mong magsisi habambuhay.

10/10
SID & AYA (NOT A LOVE STORY)
Directed by Irene Villamor

32 MEMORABLE QUOTES FROM ‘SID & AYA’

“Hindi naman lahat ng may ‘I love you,’ love story na e.”

“‘Sino ka bang gago ka?’ Tanong ko yun sa sarili ko, gabi-gabing hindi ako makatulog. Sanay na ako. Causes of insomnia: Regret. Self-blame. Overthinking. Anger. Depression. Loneliness. And her. Yes. Her. Si Aya. Gago rin siya.“

“Sino ba’ng hindi malungkot? Sino ba’ng hindi galit sa mundo? Lahat naman, di ba? Isang pikit, isang maling galaw, sasabog ka na lang.”

“Lahat may kanya-kanyang sira sa utak. Depende na lang kung paano mo itago.”

“Hindi ako interesadong makilala ang mga taong hindi ko naman kailangan.”

“Lahat naman talaga ng masarap, bawal.”

– “Magkano pinag-uusapan natin?”
— “1000 an hour.”
– “Sobrang lungkot mo naman para magbayad ka pa ng kausap.”

– “You know, you should stop smoking. The things that we love will eventually kill us.”
— “Patay na kung patay. Ganon din naman yun e.”

“Kahit ga’no mo pa alam kung gaano ang kaya mong ibigay, nasa dalawang tao pa rin talaga yan.”

“Hindi mo pwedeng ikulong ang puso.”

“Mahirap maging mahirap. Period.”

“She can do what she wants. Ako rin. At the end of the day, kami pa rin.” Compiled by CinemaBravo

“Bakit hindi mo na lang kasi aminin, hindi ka masaya.”

“Malayo ang pagsasabi ng totoo sa pagiging judgmental.”

“The truth is, I wanted her that night. Pero ayokong maging gago sa kanya e. Ayoko sana.”

“A black swan is an event that is impossible to predict, but has major consequences for us all.”

“Wag kang papasok-pasok sa buhay ng iba, kundi ikaw ang madadali.”

“Wala ‘to, kaya ko ‘to. Siyempre pagód lang kaya madaling umiyak.”

“Wag kang mag-sorry. Alam ko ang ginagawa ko. Ginusto ko ‘to.”

“Kung hindi love, masyadong malaking sugal yan.”

“If I ask you to stay for one more night, magkano?”

“So ano, malaki nga? Tell me when to stop.”

“Ito ang parusa ni Aya sa akin: Mas maraming tanong. Mas maraming gabi ng hindi pagtulog.” Compiled by CinemaBravo

“Marami pa akong gustong sabihin sa kanya kung makikinig lang siya.”

“If she was with me, I would tell her I love her. Gago lang ako para di aminin yun sa sarili ko. Takót lang ako para sabihin yun kapag kasama ko siya.”

“Hindi ba pwedeng lahat na lang kayo, mahal ko? Pwede ba yon?”

“Hindi ako nalungkot. Para akong nakatakas. Kasi dito, ayos lang malungkot. Pwede pala yun: na wala kang iniisip.”

“Nakakapagod. Napapagod na ‘kong magmahal ng mga taong kailangan kong mahalin.”

“Kung ikaw nabuhay ka para sa ibang tao, ako nabuhay nang walang rason. E wala namang dahilan ang lahat para sa ‘kin. Not until now.”

– “Tumaya ka naman sa ‘kin, Aya!”
— “Kung tumaya ako sa ‘yo, ikaw naman ang masasaktan.”

“I did not deserve her but I still had her.”

“Lahat naman ng tao nasasaktan.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here