Maraming boys ang gwapings pero bibihira lang ang marunong mag-handle ng isang conversation sa isang babae. Well, mga brad… ito ang ilang tips ko para masigurado na magugustuhan kayong dinidiskartehan niyong chicks!.
 
***remember: Ang girls kinikilig yan sa cute at gwapings, pero nagugustuhan at minamahal nila ang ugali at character ng mga LALAKE.
 
Game na? ok lets start!
 

13 Tips kung paano ang tamang conversation sa chicks:

1. Dapat emotional pero ndi madrama –  brad, pag kakausap ka ng babae dapat targetin mo ung side kung saan kilala ang mga babae… sa PUSO pwedeng ang kausap mo ay astigin or boysih type pero at the end of the day… BABAE parin siya at puso parin ang weakest link sknya kaya better yet talk about childhood memories, dreams, mga gusto at ayaw niyang gawin and reasons ng mga ito. these topics kasi mga brad ang mag oopen ng kanyang emotional floodgates kung saan maaring maging daan sa isang deeper conversation or even relationship.
 2.be in control – huwag kang papauna brad! always remember ang mga babae gusto ang mga lalakeng ndi takot or chope so pagdating sa kwentuhan huwag kang magaantay na siya ang mag gagawa ng move para lang may mapagusapan kayo… wrong move yun brad! u have to take control of the conversation at all cost! pero siyempre ndi naman dapat OA…
3. Mapagmasid – dapat pagmasdan mong mabuti ang mga movements ng girl brad dahil doon mo malalaman kung ano ang tinatakbo ng conversation niyo. ito ang mga non verbal cues gaya ng pag sway ng buhok, pag beautiful eyes at kung ano ano pa…. (for further lesson dito PM me haha)
4. Enjoy – yan dapat ang magiging reaksyon ng babae pag kasama ka or kausap ka. always remember brad, kung ang lalake nakukuha sa sarap ng luto… ang babae nakukuha sa sense of humor. again, make sure na emotional kahit may humor… paano yun?? haha it takes “a LORENZ” to learn that art 🙂
5. tease her – brad wag kang matakot na basagin si girl. ok lang yun paminsan basta alam mo lang ang tamang timing… pag dito nagkamali ka… dalawa lang yan,, kundi basag ang diskarte mo, muka mo ang mababasag haha! good luck brad!
 
6.you have to be intimate – kung wala kang plano maging intimate sa babae, wag mo sundin ang mga nasabi ko na, ishutdown mo computer mo ihampas mo monitor mo!!! anak ng baka, para san pa ang usapang ito brad kung ndi ka magiging intimate sa kanya… ngayon ang tip.. u have to be sensitive when to take your conversation into intimate level… another tip: pwede mong laruin, intimate, emotional, humor personal… depnde sa diskarte mo.. pag maganda ang timpla mo sa mga tips ko… she will have a helluva time with you!
7. Bola – ito ang pinaka basic at pinaka madali sa lahat ng mga tips ko… pero ito rin ang pinaka tricky… you have to make bola pero without her knowing! paano?? thru opinion! gusto ng mga girls na pinupuri sila pero allergic sila sa bola (again for further info about this PM me haha)
8. OA – huwag OA brad… sa lahat ng tip applicable to… timing at diskarte ang susi sa magandang conversation sa mga babae! lagi mong iwasan na mag muka kang nag papaimpress.. kahit pa ang katumbas nito ay mag KKB kayo sa resto. (true story!!! and it is effective!!!)
 
9. Boy Abunda –  dont be a tito boy brad… ndi naman kailangan na question and answer ang conversation niyo… you have to share your insights din… dito lalabas ang pagiging witty mo na isa sa mga gustong gusto ng mga girls… again, iwasan ang interview style na usapan.
10. diskarte – para maiwasan ang interview style of conversation gawing statement ang mga question sample: kesa magtanong ka ng dito ka ba sa manila lumaki? ang gawin mo na lang: mukang laking probinsya ka ah… <insert a very good reason or a banat>
11. free – ang pinaka secret sa magandang kwentuhan ay ang pagiging totoo at free so let your character do the moves.
12. friend zone – ito ang dapat mong maiwasan kung sisimulan mo ang conversation sa girl… paano? maliban sa pagiging intimate let her know subtly na ang lakas ng alindog niya sau… papeng!!! haha! (gusto ng mga babae yan.. ndi lang nila inaamin!!)
13. Relaks –  brad… sa kabila lahat ng tip ko, dapat tandaan mo na HUWAG NA HUWAG MONG SASABIHIN NA GUSTO MO SIYA lalo na ang mortal sin na “iloveyou”. gusto ng mga babae ang mga guys na challenge.. i mean, gusto nila in a way na nagtataka sila kung bakit sa kabila ng lahat ng sinasabi mo ndi mo sila diniderekta… pa kilig ba. dapat unti unti niyang nararamdaman na ung move mo… para ndi siya mwalan ng interest sayo.
Final reminder brad.
Hindi mahirap dumiskarte sa isang babae… ang kalaban mo jan sarili mo… again always remember u have to be fun, playful, and sexual pagdating sa  conversation  tsaka you just need to be aware of what they are turned on by and what turns them off. syempre dagdagan mo yan ng santong dasal, tamang diskarte, malupit na swerte ang saktong timing. ang equals niyan LOVE LIFE.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here