Mga larawan mula sa Facebook account ni Jame Sinsuat

Ngayong nalalapit na ang buwan ng Abril, marami sa mga mag-aaral na completers o graduating ang nasasabik na at sinisimulan nang mag-isip kung anong propesyon, trabaho o negosyo ang binabalak nilang pasukin pagkatapos ng kanilang madugong pag-aaral.

Wika nga, ang isang taong walang pangarap ay parang ulap na nakalutang lamang sa alapaap. Wala namang masama sa mangarap. Maraming mga mag-aaral ang nangangarap na maging doktor, inhinyero, arkitekto, pulis, sundalo, nurse, guro, abogado, at iba pang uri ng mga propesyon o trabahong may mataas na suweldo o kaya’y may natatanging adhikain.

Mga Kakaibang Pangarap

Kaugnay sa usapang pangarap, viral ngayon sa social media ang mga “kakaibang pangarap” ng mga graduating students na nakalagay umano sa kanilang year book, na nai-share sa Facebook account ng netizen na si Jame Sinsuat. Bagama’t ito ay katuwaan lamang, labis itong kinaaliwan ng mga netizens.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here